Nakakatawa lang kanina. Papunta na ako sa LRT. Nakasakay sa jeep tapos biglang umusok. Sa dulo ako nakaupo, kaya di ako makababa agad. Ung mga tao, nagtulakan palabas, sabi sasabog daw ung jeep. Ako naman, parang wala lang. Nakaka-ewan talaga, nadulas ung isang babae tapos sinisisi ung driver eh wala namang ginawa ung driver. Tapos sigaw ng sigaw. Tapos hinihingi ung buong pamasahe niya para daw pampagamot eh nagasgasan lang siya. Hindi rin naman talaga ginusto ng driver na umusok ung sasakyan niya. Ung babaeng nadulas, sinisigaw pa na may kabet ang driver. Panu naman niya nalaman yun. Napaisip tuloy ako. Ganto ba talaga? Kung ano-anong istorya na lang yung lumalabas sa bibig kapag nagagalit ang isang tao? Hayy.
(Source: fromthisreality)




