Unofficially Yours
“Hindi ko kayang tanggalin lahat ng sakit na nararamadaman mo. Kasi ikaw lang ang makakagawa nun eh. Ako, ang kaya ko lang gawin ay ang mahalin ka, ang maghintay sa’yo at umasang isang araw kakayanin mo ng magmahal ulit. Pero ‘wag kang mag-alala, hindi kita pipilitin kasi naiintindihan kita.” -Mackie Galvez
“Hindi mo lang alam. Gustong- gusto kitang mahalin, kaso natatakot ako. Natatakot akong masaktan. Ano na lang ang matitira sa akin kapag iniwan mo ako? Kasi habang lumalaki ang pakiramdam ko na minamahal kita, lumalaki din ang takot sa puso ko. Takot na akong masaktan muli. Minsan kasi sa buhay ko, may isang taong nagsabi din ng mga sinasabi mo ngayon. Pero anong nangyari? Iniwan din niya ako. Kaya mahirap na ring magtiwala ngayon.” -Ces Bricenio